Gas

Gas magmamahal ng 45 cents/liter; diesel sisipa ng 40 cents/liter

Edd Reyes Dec 13, 2024
113 Views

ASAHAN ang pagtaas ng mula 15 sentimos hanggang 45 sentimos kada litro sa presyo ng gasolina habang mula 10 sentimos hanggang 40 sentimos kada litro ang isisipa ng presyo ng diesel sa Martes, Dec. 17, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ibinatay ng DOE ang pagtaya sa apat na araw na kalakaran ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Magpapatupad ng rollback sa presyo ng gaas mula 20 sentimos hanggang 30 sentimos kada litro.

Ilan lang sa mga nakikitang dahilan ng DOE sa panibagong paggalaw ng presyo ng langis ang pagbagsak ng rehimen ni Syrian President Bashar al-Assad, ang political volatility ng iba pang bansa sa Gitnang Silangan at ang pagkaantala sa dagdag na produksiyon ng langis ng mga oil producing countries sa daigdig.

Ini-aanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo tuwing Lunes na ipatutupad kinabukasan ng umaga.