Calendar
Gatchalian: DSWD pondo, relief goods para sa biktima ng bagyo sapat
SAPAT ang pondo at suplay ng relief goods para sa mga biktima ng bagyong Kristine.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, inihahanda na ng kanilang hanay ang financial assistance para sa recovery efforts.
Naka-preposition na aniya sa mga regional, provincial at municipal hubs ang mga food packs bago pa man tumama ang bagyo.
“Sa katunayan, bago natin naramdaman iyong epekto ng Bagyong Kristine, ang national stockpile natin – ito iyong mga family food packs na nakakalat sa lahat ng mga warehouses natin sa buong bansa – nasa kulang-kulang two million pieces,” pahayag ni Gatchalian.
Nasa 1,982,000 family food packs aniya ang nakatambak sa ibat ibang warehouse ng DSWD.
“Nabawasan mula kahapon hanggang ngayon kasi nagri-release na tayo,” pahayag ni Gatchalian.
Mula sa mahigit dalawang milyong food packs, nasa mahigit 1.9 milyon na lamang ito dahil naipamahagi na sa Bicol region.
“Pero hindi tayo tumitigil diyan, habang nagwi-withdraw sila, nagpapadala na tayo ng karagdagang another 100,000 family food packs sa Bicol – en route na iyon ngayon ,” pahayag ni Gatchalian.
Oras naman aniya na humupa ang baha, agad na aatupagin ngD SWD ang pamamahagi ng cash assistance.
“The DSWD has available funds, ready to mobilize financial assistance in the coming days. Hindi naman ‘yan nauubos. That’s on top of our regular assistance funds at meron din kami ‘yung disaster funds ,” pahayag ni Gatchalian.