Gentlemen’s agreement ni Duterte sa China pagsuko ng karapatan ng PH sa Ayungin Shoal

143 Views

ISA umanong pagsuko ng karapatan ng Pilipinas sa Ayungin Shoal ang pinasok na “gentlemen’s agreement” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China, ayon kay dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

Ayon kay Carpio, ang pagpayag ni Duterte na huwag magpadala ng gamit upang makumpuni ang lumang BRP Sierra Madre ay bubura sa prisensya ng mga Pilipino sa Ayungin Shoal sa hinaharap.

“President Duterte knew that without repairs, the BRP Sierra Madre would soon collapse and, thus, end our presence in Ayungin Shoal,” sabi ni Carpio.

“Yet Duterte agreed, in a concession to China, that the Philippines could only bring food and water to BRP Sierra Madre and would not bring materials to repair the Sierra Madre,” dagdag pa ng dating SC justice.

Sa ilalim ng kasunduan, sinabi ni Carpio na pagkain at tubig lamang ang pinapayagang dalhin ng China para sa mga sundalo na nakabase sa BRP Sierra Madre na sinadyang pinasadsad sa Ayungin Shoal.

“Duterte’s ‘gentlemen’s agreement’ was lopsided in favor of China … That ‘gentlemen’s agreement’ was a disguised surrender of our EEZ (exclusive economic zone) rights over Ayungin Shoal as it gave China veto power over our exclusive right to erect structures on Ayungin Shoal,” sabi pa ni Carpio.

Iginiit ni Carpio na ang kasunduan ay isa ring pagbalewala sa 2016 Arbitral Tribunal ruling na kumikilala sa Ayungin Shoal bilang bahagi ng EEZ ng Pilipinas.