Baltazar Baltazar: Bida sa panalo ng Pampanga.

Giant Lanterns nagpasikat sa Pampanga

Robert Andaya May 22, 2024
130 Views

NAGPATULOy ang mainit na kampanya ng defending champion Pampanga Giant Lanterns.

Sa tulong nina reigning MVP Justine Baltazar at Kurt Reyson. hindi naawat ang Giant Lanterns sa kanilang 70-65 panalo laban sa Pasay Voyagers sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa harap ng madaming manonood sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Si Baltazar ay nagtala ng panibagong double-double na 21 point at 20 rebounds habang si Reyson ay nagdagdag ng 18 points, five rebounds, two assists at two steals para sa Pampanga, na umakyat sa 7-1 record sa likod lamang ng Binan, Neva Ecija, Quezon and San Juan sa overall standings.

Nagpakitang gilas din sa kanilang homecourt si MJ Garcia, na may nine points at three rebounds at Archie Concepcion , na may eight points, five rebounds, three assists at two steals.

Si Laurenz Victoria ay gumawa ng 14 points, fiverebounds at five assists habang si Warren Bonifacio ay may 13 points, five rebounds para sa Pasay, na lumamang pa ng 38-33 sa simula ng third quarter bago nalugmok sa 5-3 win-loss record.

Nag-ambag si Patrick Skeat ng 11 points, five rebounds, four assists and three steeals para sa Voyagers.

Sa mga naunang laro, pinayuko ng Negros Muscovados ang iloilo United Royals, 72-66, at ginulat ng Batangas Tanduay Rhum Masters ang Quezon City TODA Aksyon, 76-73, sa overtime.

Ang prestihiyosong 23-team regi9nsl competition, na tinatawag ding “Liga ng Bawat Pilipino”, ay itinatag ni Sen.Manny Pacquiao nung 2018.

Commissioner si PBA legend Kenneth Duremdes.