Calendar
Isang eksena sa isinagawang gift giving ng Manila Police District press corps kung saan umabot sa 300 homeless, street dwellers at street sweepers ang biniyayaan. Kuha ni JOAQUIN MARTIN REYES
Gift-giving inilunsad ng MPD press corps
NAMIGAY ang mga miyembro ng Manila Police District press corps at mga pulis ng mga goodies para sa mga homeless, street dwellers at street sweepers katulong ang ilang pribadong grupo kamakailan.
Isinagawa ang gift-giving sa pamumuno nina People’s Journal reporter JonJon Reyes katuwang sina MPD director P/BGen. Arnold Abad, Police Col. Roderico Roy Jr., MPD-DDDA, at P/Major Philipp Ines katuwang ang Canton Chamber of Commerce Philippines sa pamumuno nina Kevin Lim at Vincent Chan.
Kasama rin sa event sina Enrico “Rico” Sangcap ng Dragon Sangcap & Sons.
Humigit-kumulang 300 benepisyaryo ang nakatanggap ng mga Christmas gifts pack na naglalaman ng bigas, de-latang pagkain, noodles at iba pang pangangailangan.
Ayon kay Reyes, pangulo ng MPD press corps, ang aktibidad ay bahagi ng kanilang panlipunang pananagutan bilang mga mamamahayag.
“Sa kabila ng araw-araw na hamon sa pagbabalita, kami ay patuloy na nagsisilbi sa komunidad hindi lamang sa pamamagitan ng impormasyon kundi sa konkretong pagtulong,” sabi ni Reyes.
Ipinapakita ng aktibidad na sa likod ng kamera at mikropono, ang media ay patuloy na kaagapay sa serbisyo at malasakit sa tao.

