Calendar
Gilas, Cone hindi palulupig
TAPOS na ang FIBA World Cup 2023, na kung saan naitala ng Gilas Pilipinas ang 24th place finish out of 32 participants mula iba’t ibang bahagi ng basketball world.
At ngayon, ang nalalapit na 19th Asian Games sa Hangzhou, China naman ang tututukan ng bayang basketbolista.
Bagong coach, bagong mga players naman ang sasabak sa panibagong pagsubok sa darating na kumpetisyon, na nakatakda mula Sept. 23 hanggang Oct. 8.
Wala na sa Gilas Pilipinas si NBA “Sixth Man of the Year” Jordan Clarkson ng Utah Jazz, gayundin sina Kai Sotto, EJ Edu, Dwight Ramos, Rhenz Abando at Kiefer Ravena
Tanging sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Scottie Thompson at Roger Pogoy ang naiwan sa team na papatnubayan ni Barangay Ginebra coach Tim Cone bilang kapalit ni coach Chot Reyess.
Makakasama nila sa Gilas 2.0 sina naturalized player Justin Brownlee, na susubok lagpasan ang nagawa ni Carkson, gayundin si Ange Kouame at mga sikat na PBA stars Terrence Romeo, Calvin Abueva, Mo Tautuaa, Jason Perkin, Calvin Oftana at Chris Newsome.
Bagong team para sa Gilas Pilipinas subalit iisa pa din ang hangarin: ang manalo.
Kaya ba natin?
Kung si Cone at ang kanyang coaching staff, na binubuo nina Richard del Rosario, Ginebra guard LA Tenorio at long-time Gilas deputy coaches Jong Uichico at Josh Reyes, ang tatanungiin, tiyak na ang madidinig na sagot ay kaya.
“I’m good with what we have in the team right now. We’re pretty well equipped. We got a good balance of size and quickness. We got June Mar, Japeth, Mo and Ange, so we have an opportunity to compete with host China and the Middle Eastern teams. We got good guards, we good shooters like Roger, Terrence, Calvin and Justin. We got some great defenders in Perk and Newsome.And we got Scottie, who will also be a little bit more comfortable in what we do than in the World Cup,” pahayag ni Cone, ang 65-year-old Barangay Ginebra coach sa panayam ni Robert Andaya ng People’s Tonight kamakailan.
Kung tutuusin, hindi na matatawaran ang kakayahan ni Cone bilang coach.
Bukod sa kanyang record bilang winningest coach sa PBA sa kanyang 25 championships para sa Alaska Milk, Purefoods at Ginebra mula 1989 hanggang kasalukuyan.
Si Cone din ang nagsilbing coach ng Philippine Centennial Team na nakapag-uwi ng bronze medal sa Asian Games sa Bangkok, Thailand nung 1998 at gold medal sa Southeast Asian Games sa Manila nung 2019 at William Jones Cup sa Taipei nung 1998.
At pinakahuli nga, isa siya sa mga naging pangunahing assistant coaches ni Reyes para sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2023.
Sa Hangzhou, inaabangan na ang inaasahang rematch ng Pilipinas at host China.
Pinahiya ng Clarkson-led Gilas ang China, 96-75, sa kanilang sagupaan sa FIBA World Cup, subalit inaasahang magpipilit makabawi ang mga kalaban sa kanilang home court sa Asian Games.
Pero bago ito, kailangang talunin muna ng Pilipinas ang Brunei sa Sept. 26,Thailand sa Sept. 28 at Jordan sa Sept. 30 upang umabante sa susunod na round, na kung saan inaasahang naghihintay ang China, Paris Olympics qualifier Japan at iba pang mga bigating Asian countries.
Base sa groupings para sa Asian Games, ang mga teams ay nahahati sa apat na grupo:
Group A — Iran, Kazakhstan, Saudi Arabia, United Arab Emirates.
Group B — China, Lebanon, Taipei, Mongolia.
Group C — Philippines, Jordan, Brunei, Thailand.
Group D — Japan, Korea, Indonesia, Qatar.
Sino ang papalarin at sino ang uuwi muling luhaaan?
Gold, silver or bronze medal — or wala — ang maiuuwi ni Cone at ng kanyang new-look Gilas Pilipinas.
Abangan.
* * *
Hindi lang boxing, hindi lang basketball kundi pati volleyball.
Ilalatag ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang mga plano na suportahan din ang volleyball sa gagawing formal launching ng Maharlika Pilipinas Volleyball League (MPVL) sa Pasay City ngayong Biyernes.
Bahagi itong programa ni Sen. Pacquiao na patuloy na itaas ang antas ng mga sports sa bansa.
NOTES — Welcome home to my sister-in-law Annie Dieron-Andaya ng Orange County, USA na dumating sa bansa para sa isang maikling pagbisita sa kanyang pamilya at mga kaibigan….
Belated happy birthday kina Gemma Gabriel (Sept. 9), Olga Ona (Sept. 11) at Mark Benedict Ypil (Sept. 11).
Para sa mga komento at suhestiyon, ipadala ang email sa [email protected]