FIBA

Gilas Pilipinas nakabawi sa Senegal

Robert Andaya Aug 7, 2023
251 Views

SWEET revenge sa Gilas Pilipinas.

Humirit ang Pilipinas ng nakabibilib na 75-63 panalo laban sa Senegal sa 2023 Heyuan WUS International

Basketball Tournament sa Heyuan Sport Gymnasium sa Guangdong, China.

Binuura ng nasabing panalo ang naunang 64-72 kabiguan ng mga Pilipino sa kamay ng parehong Senagalese team, na ranked No. 37 sa mundo.

At hindi gaya ng kanilang naunang enkuwentro, mas madaming Pinoy players ang nagpakitang gilas ngayon para sa Chot Reyes-mentored Filipino team.

Nanguna sina AJ Edu, CJ Perez, Dwight Ramos at Ray Parks para sa Gilas Pilipinas team, na sinusuportahan din ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Top scorer si Edu para sa Gilas sa kanyang 15 points, kasama ang tatlong krusyal three-pointers, para ibigay ang 70-60 kalamangan sa huling dalawang minuto.

Nag-ambag si Perez ng 14 points, nag-dagdag si Ramos ng 12 points, eight rebounds, at two assists at June Mar Fajardo, na may 11 points.

Ang naturang labanan ay bahagi ng paghahanda ng Pilipinas para sa darating na FIBA World Cup 2023, na magsisinula sa Aug. 25.

The scores:

Philippines (75) – Edu 15, Perez 14, Ramos 12, Fajardo 11, Parks 8, Newsome 4, Abando 3, Pogoy 3, Ravena K. 3, Aguilar 2, Oftana 0, Malonzo 0, Ravena T. 0.

Senegal (63) – Boissy 16, Ndoye 9, Badio 8, Sambe 6, Camara 6, Diop 5,

Sylla 5, Faye 3, Ndiaye 3, Fall 2.

Quarterscores: 16-17, 36-39, 47-53, 75-63