Gina de Vencia INT’L BAZAAR – Dumalo si International Bazaar Foundation Inc. (IBF) Board Member Gina de Venecia (3rd from right, front) sa pagbubukas ng International Bazaar sa World Trade Center sa Pasay City, Linggo ng umaga, kasama sina (from left) Thai Ambassador Tul Traisorat, IBF PRO Nikki Jimenez, IBF President Consul Betty Ang, IBF Chairperson Pamela Manalo, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Tessie Sy Coson, IBF Treasurer Alice Guerrero, IBF Board Member Vicky Ablan at (back) mga opisyal ng embahada ng Sri Lanka. Kuha ni JON-JON C. REYES

Gina de Vencia nilibot bawat booth sa pagbubukas ng Int’l Bazaar 2024

50 Views

PERSONAL na dumalo Si Manay Gina de Venecia sa pagbubukas ng International Bazaar Trade Fair sa World Trade Center sa Pasay City, Linggo ng umaga.

Nilibot ni De Venecia ang international bazaar at pinuntahan ang bawat booth na kumakatawan sa iba’t ibang bansa.

Hindi bababa sa 40 bansa ang sumali sa international bazaar na may temang “Shop global, help local”.

Naroon din sa event si Pasay Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano.

Ang International Bazaar Foundation Inc. (IBF) ay nag-partner sa Spouses of the Heads of Missions (SHOM) at sa Diplomatic and Consular Missions in the Philippines sa paglulungsad ng annual bazaar para ngayong 2024.

Ang fundraising na event na ito ay susuportahan ang mga programa para tulungan ang mga kababaihang biktima ng abuse, mga homeless at ang mga nasa marginalized communities, upang sila’y mabigyan ng pag-asa.

Ayon kay Chairperson Pamela Louise Manalo, asawa ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo, ito na ang pinakamalaking venue kung saan ginaganap ang bazaar, magmula nang simulan ang bazaar halos 60 taon na ang nakalilipas.

Ang bazaar ngayong taon ay may lawak na 5,533 square meters at ginaganap sa Halls B and C ng World Trade Center sa Pasay City.

Ang IBF ay binuo noong 1966 bilang non-profit fundraising institutional foundation. Hangarin nitong tulungan ang mga disadvantaged na miyembro ng populasyon sa pamamagitan ng charitable activities at palakasin na rin ang relasyon sa diplomatic community sa Manila.