Gutierrez 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez

Ginagawa ng TikTok laban sa pagkalat ng fake news kulang pa— solon

34 Views

ANG paglaganap ng maling impormasyon sa TikTok gaya ng pagmamay-ari ng China sa Palawan ay nagpapakita umano ng kulang ang ginagawa ng naturang social media platform upang mapigilan ang pagkalat ng maling impormasyon.

Kasabay nito ay nanawagan si 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez sa pagpapatupad ng mga hakbang upang mapigilan ang pagpo-post ng mga maling impormasyon upang hindi na ito kumalat.

Partikular na tinukoy ni Gutierrez sa pagdinig ng House tri-comm ang kumalat sa TikTok na ang Palawan ay dating pagmamay-ari at pinamamahalaan ng China.

“Pag-aari daw ng China ang Palawan,” ni Gutierrez sa pagdinig ng komite.

Ayon kay Gutierrez, ipinapakalat ng mga gumagamit ng TikTok ang naturang maling impormasyon at hindi ito pinipigilan ng TikTok.

Diin ng mambabatas na pawang reactionary lang ang tugon ng TikTok sa fake news kung saan kikilos lang kapag may pumuna sa maling content sa halip na gumawa ng hakbang para hindi na ito mai-post.

“Mr. Chair, most respectfully, while we laud the attempts at the measures being taken by TikTok in relation to this and we appreciate the numbers that are being put forward – one issue that we have really is that anecdotally that doesn’t seem to be the case,” ani Gutierrez.

Ipinunto rin ni Gutierrez na kahit na natanggal na ang orihinal na post ay maraming iba pa na nag-post na nito kaya patuloy pa ring napapanood at kumakalat.

“For example when we talk about fake news in relation to China, when we see one video posted and it has been reported, we would see the same video posted by a different person,” aniya.

“So that’s why I wanted to ask if – how do we ensure that a video that has been flagged for disinformation is not posted again?” sabi pa ni Gutierrez.

Natalakay ang isyu ng mapanlinlang na content sa TikTok sa pagsisiyasat ng Kamara tungkol aa online disinformation, kung saan isiniwalat ng mga kinatawan ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang ipinakalat ang maling impormasyon na pagmamay-ari umano ng China ang Palawan ay nakasulat sa salitang Chinese.

“This is a new kind of propaganda,” sabi ni PCG Commodore Jay Tarriela kasabay ng pagtiyak na itatama ito ng pamahalaan

Sa kaparehong pag-dinig tiniyak ni Peachy Laderna, public policy manager ng TikTok, sa mga mambabatas na hindi nila pinahihintutan ang misinformation na magdudulot ng panganib.

“We do not allow misinformation that causes harm, including disinformation that could lead to individual or community harm,” wika ni Paderna.

Iniulat ni Paderna, “between July to September, I believe during a period last year, we removed over 4 million videos that violated our community guidelines. 99.5% of those videos were taken down proactively and of the remaining percentage, 98% was taken down in less than 24 hours after being reported by users.”

Gayunman hindi kumbinsido si Gutierrez, na epektibong napigil ng TikTok na mag-viral ang nga kasinungalingan.

“It tends to be that once there is a narrative being taken by certain bad actors in relation to fake news and it’s posted and they take it down, they just post it through another user,” saad niya.

“So I hope you’d understand the frustration that this committee would have in relation to the social media posts—and that’s not even going into yet the issue of suppression that our journalists are facing in relation to the territorial dispute of the West Philippine Sea,” dagdag pa ni Gutierrez.

Nanawagan ang mambabatas sa TikTok na magpatupad ng mas mahigpit na mga patakaran sa pagmo-moderate ng mga post, kabilang ang mas agresibong pagtanggal ng mga disinformation campaign at magoataw ng mabigat na parusa para sa mga account na paulit-ulit na nagkakalat ng pekeng balita.