Vic Reyes

Ginawa lang ng PH ang dapat gawin

Vic Reyes Mar 12, 2025
20 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa bansang Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng daigdig.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at syempre ang patuloy na nakaalalay sa mga kababayan nating Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

God Bless!

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484)

***

Malamang na kaliwa’t-kanan na ang banat sa administrasyon ng mga supporter ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Paano nga naman, inaresto ng mga pulis si Duterte pagdating nlya sa Ninoy Aquino International Airport noong Martes.

Siya ay galing ng Hong Kong, kung saan siya nagsalita sa harap ng mga overseas Filipinos workers (OFWs) doon.

Sa NAIA ay naghihintay na pala ang mga pulis na may dalang warrant of arrest na inlsyu ng The Hague-based International Criminal Court (ICC).

Dahil hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas ay International Police (Interpol) ang naghain ng warrant of arrest.

Hindi puwedeng tumanggi ang Pilipinas sa Interpol dahil ang ahensyang ito ay tumutulong sa bansa kapag may mga ipinapaaresto tayo sa labas ng bansa.

Sa totoo lang, ang Interpol ang tumulong para mahuli sina Alice Guo sa bansang Indonesia.

Ang Interpol din ang naging susi para maibalik natin sa Pilipinas ang mga kababayan na-biktima ng mga scammer.

Hanggang sa ngayon ay miyembro pa tayo ng International Police.

Sinabi nga ni Pangulong Marcos sa kanyang address to the nation na hindi tayo tumulong sa ICC kundi sa Interpol.

Tama ang Pilipinas sa pagtulong sa Interpol para maihain ang warrant of arrest laban sa dating Pangulong Duterte.

Ginawa lang natin ang obligasyon natin bilang miyembro ng international community of nations.

Sa tingin natin ay sinunod naman natin ang proseso sa pag-aresto at pagsakay ni Duterte sa eroplano na maghahatid sa kanya sa The Hague, Netherlands.

Doon lilitisin ang dating Chief Executive sa kasong “crime against humanity.”

Dapat pa nga magpasalamat ang mga taga-suporta ni Duterte dahil mabibigyan ito ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili.

Hindi kagaya ng maraming namatay sa“bloody war on drugs” ng nakaraang administrasyon.

May mga report nga na maraming biktima umano ang pinatay na walang kalaban-laban.

Hindi pa kasama diyan ang mga namatay na nadamay lang sa operasyon laban sa mga pinaghihinalaang drug pushers at drug addicts.

Inuulit natin, ginawa lang ng Pilipinas ang dapat gawin niya bilang active member ng Interpol.

Tama ba kami, Justice Secretary BoyingRemulla?

***

Hindi dapat makaapekto sa trabaho sa aduana ang mga nangyayaring malalaking events sa politika, foreign affairs at law enforcement.

Focus lang sa trabaho dahil mabigat rin ang kinakaharap niyong hamon.

Kailangang masugpo ninyo ang ismagling para ma-meet ng Bureau of Customs (BOC) ang mataas na 2025 assigned tax take.

Sa taong ito ay tumataginting na P1.06 trilyon ang revenue collection target ng nasabing ahensya.

Sa dami ng mga problema sa mundo, kasama na ang mga giyera, ay baka mag-slow down ang importasyon natin

Kung kaunti ang importasyon ng bansa ay kaunti rin ang makokolekta nating buwis at taripa.

Paigtingin natin ang anti-smuggling campaign para masakote ang mga produktong puwede natin ipagbili sa public auction.

Dagdag kita rin ang mapagbibilhan ng mga ito.

Lalo na ang mga luxury motor vehicles.

Hindi ba, Commissioner Bienvenido Y. Rubio at Finance Secretary Ralph Recto?