Calendar
Gintong kuwintas na napulot itinurn over ng SSO sa CAAP
ITI-nurn over ng Security Screening Officer (SSO) ang napulot niyang gintong kwintas sa checkpoint ng Bacolod–Silay Airport noong Setyembre 6.
Napansin ni SSO Angelica Mapa ang kwintas sa ilalim ng x-ray roller kaya ini-report niya kay Terminal Chief Christine Perez.
Isinailalim sa proseso ang alahas at nakipag-ugnayan sa mga awtoridad ng paliparan para i-page ang napulot na alahas at ma-claim ng may-ari.
Nang hindi na-claim, inilipat ng OTS ang kwintas sa Lost and Found Section ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa pag-iingat.
Pinuri ni OTS Administrator Undersecretary Gilberto DC Cruz si Mapa.
“Bawat bagay na naibabalik ay pagkakataon upang ipakita sa publiko na karapat-dapat ang kanilang tiwala,” ani Usec. Cruz.
Ang insidente ay patunay ng patuloy na pangako ng OTS sa katapatan, pananagutan, at etikal na paglilingkod, alinsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

