Madrona

Global recognition ng PH tourism sa international community ikinagalak ng Chairman ng House Committee on Tourism

Mar Rodriguez Jul 25, 2023
174 Views

NAGPAHAYAG ng kagalakan ang Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona dahil sa patuloy na pag-arangkada at pamamayagpag ng Philippine tourism dahil sa napipintong “global recognition” nito mula sa international community.

Katulad ng pananaw ng Department of Tourism (DOT), nakikita rin ni Congressman Madrona ang pagkakaroon ng “global recognition” o pagkilala ng international community sa Pilipinas bilang pinaka-ideal na lugar kung ang larangan ng tourist destination ang pag-uusapan.

Ikinagalak din ni Madrona na sa unang taon pa lamang ng panunungkulan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ay natamo na ng Pilipinas ang mataas na pagkilala mula sa global community bunsod narin ng pagdagsa ng napakaraming turista na bumibisita o nagbabakasyon sa bansa.

Sinabi din ni Madrona na naging mabunga o fruitful ang mga pagsisikap ng Tourism Department para maging “tourism powerhouse” ang Pilipinas sa buong Asya na isa rin sa mga goal ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.

Ayon kay Madrona, bilang Chairperson ng Committee on Tourism, isa umanong malaking karangalan na unti-unting matatamo ng turismo ng bansa ang “global recognition” dahil narin sa pagkilala ng mga international tourist sa Pilipinas bilang isa sa “ideal tourist hub” sa buong Asya.

Bininanggit pa ng kongresista na kinikilala din ang global community ang Pilipinas bilang “World’s Leading Beach Destination”, World’s Leading Dive Destination at Asia’s Leading Tourist Destination”. Kung kaya’t hindi na aniya nakakapagtaka kung bakit ganoon na lamang ang kasikat ang bansa sa larangan ng turismo.

Nauna rito, naniniwala si Madrona na magpapatuloy ang suporta ng Pangulong Marcos, Jr. para sa sector ng turismo sa pamamagitan ng mga infrastructure projects. Makalipas ang isang taon nang unang manungkulan nito upang tuluyan na itong makabangon matapos ang dalawang taong COVID-19 pandemic.

Bago naganap ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, umaasa din si Madrona na mapapasama sa talumpati ni Pangulong Marcos, Jr. ang paglalatag nito ng mga programa para matugunan o ma-address ang samu’t-sariling problema na kinakaharap ng tourism industry.

Ayon kay Madrona, bukod tanging ang Pangulong Marcos, Jr. lamang ang nagbigay ng pagpapahalaga at importansiya sa tourism industry sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga infrastructure projects para mas maging kombinyente ang pagbibiyahe sa mga tourist destinations sa bansa.

Nananawagan din ang mambabatas sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan na makipag-tulungan sila sa Department of Tourism upang mas ma-improve ang mga proyekto ng gobyerno patungkol sa pagsasa-ayos ng turismo ng bansa.
Sent from Yahoo Mail on Android