Calendar
GMA, 18 mambabatas nagpahayag ng “unequivocal defence” kay Duterte kaugnay sa kaso sa ICC
IPINAHAYAG nina dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga 2nd Dist. Cong. Gloria Macapagal-Arroyo kasama ang labing-walo pang kongresista ang kanilang “unequivocal defence” para kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte patungkol sa kasong “crimes against humanity” na kinakaharap nito sa International Criminal Court (ICC).
Sa pamamagitan ng House Resolution No. 780 na isinulong at inakda nina Macapagal-Arroyo, Congressmen Carmelo B. Lazatin II, Aurelio D. Gonzales at Anna York Bondoc-Sagum. Ipinahayag ng mga mambabatas ang kanilang walang pag-aalinlangang suporta para kay Duterte.
Nakasaad sa HR No. 780 ang pangangalap ng suporta mula sa iba pang miyembro ng Kamara de Representantes para sa dating Pangulo. Kaugnay sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng ICC tungkol sa madugong kampanya ng administrasyon nito sa talamak na illegal drugs.
Magugunitang kinasuhan si Duterte ng “crimes against humanity” bunsod ng mga reklamong isinampa ng mga drug victims sa ICC. Kung saan, ang ilan sa mga nagsampa ng reklamo ay kamag-anak ng mga napatay sa kontrobersiyal na “tokhang” o war on drugs campaign.
“Whereas, after a panel of Judges at the ICC in the hague authorized the Office of the Prosecutor to resume its investigation into alleged crimes against humanity in the Philippines. As Justice Secretary Jesus Remulla declared. “They are insulting us, describing this case as totally unacceptable,” nakasaad sa House Resolution No. 780.