GMA

GMA aprub sa first 100 days ni PBBM

189 Views

APRUB kay dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo ng ikalawang distrito ng Pampanga ang ipinakita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa unang 100 araw nito sa Malacañang.

“I think a president’s first 100 days serves 2 purposes: first, to give the nation and the world a message to inspire confidence relative to the area of greatest concern; and second, to give the Filipino people an idea of the leadership style of the president,” sabi ni Arroyo.

Sa gitna umano ng mga problemang kinakaharap ng bansa sanhi ng pandemya at ng tensyon bunsod ng gulo sa Ukraine at sa Taiwan ay nakapagbigay ng kapanatagan si Marcos nang bumuo ito ng kahanga-hangang economic team na gagabay sa direksyon na tatahakin ng gobyerno upang mapaunlad ang bansa.

“For the second purpose again, the president has projected himself well as a calm, thoughtful leader who is true to his promise to promote unity and be a President for all,” sabi ni Arroyo.