Emigdio

Gobyerno makakatipid ng P8 bilyon kung gagamitin ng COMELEC ang mga kasalukuyang VCMs para sa 2025 elections

Mar Rodriguez Jun 24, 2024
62 Views

𝗠𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗧𝗜𝗣𝗜𝗗 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗼𝗯𝘆𝗲𝗿𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗣𝟴 𝗯𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁𝗶𝗻 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 (𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖) 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗸𝘂𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗩𝗼𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗰𝗵𝗶𝗻𝗲𝘀 (𝗩𝗖𝗠𝘀) 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗱𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗺𝗶𝗱-𝘁𝗲𝗿𝗺 𝗲𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀.

Ito ang ipinabatid ni Rizal 2nd Dist. Cong. Emigdio “Dino” Tanjuatco III kasunod ng kaniyang panawagan sa pamunuan ng COMELEC upang bigyan nito ng kaukulang konsiderasyon ang tinatawag na “existing” o kasalukuyang VCMs para maggamit sa susunod na taon upang malaki ang matipid ng pamahalaan ng tinatayang P8 billion.

Sinabi ni Tanjuatco na maraming Pilipino sa kasalukuyan ang nagkakaroon ng agam-agam at pagdududa sa “reliability” ng mga bagong “hybrid” na voting at counting system na kinontrata ng COMELEC. Kung saan, kabado narin aniya ang ilan sapagkat halos isang taon na lamang ang nalalabing panahon para sa gagawing paghahanda para sa 2025 elections.

Pagdidiin pa ni Tanjuatco, hindi aniya maaaring asahan ang Miru Systems Co. Ltd. na kinontrata ng COMELEC sapagkat hindi pa umano nakakatugon o nakakapag-comply ang naturang kompanya sa Terms of Reference (TOR) para sa gaganaping automated elections system (AES). Bukod pa rito ang tinatawag na “deficiencies” ng mga voting machines na nasaksihan ng mambabatas sa isinagawang demo ng Miru Systems Co. Ltd.

“First and foremost. The P18 billion contract between the COMELEC and Miru Systems Co. Ltd. does not comply with the terms of reference (TOR) of the automated election system (AES). I was present during the first demo of Miru’s machine in the COMELEC where I witnessed the deficiencies first hand,” wika ni Tanjuatco.

Dahil dito, sabi pa ng kongresista na sa gitna ng mga pagdududa at pag-aalinlangan sa integridad ng mga AES ng Miru Company. Mas makabubuting ang mga VCMs na lamang ang gamitin para sa 2025 mid-term elections upang matiyak o masiguro na hindi magkakaroon ng sablay sa gaganaping halalan.

Agon pa kay Tanjuatco, ang muling paggamit ng COMELEC sa mga VCMs ang pinakatiyak o seguradong option sapagkat nasubukan na ang mga VCMs sa mga nagdaang eleksiyon kung saan wala naman aniyang naiulat i naitalang problema patungkol dito.

“Reusing these VCMs is a very viable option given the government’s present challenges in providing critical funds to support social amelioration, food security and universal health care,” sabi pa ng mambabatas.