BBM1

Gobyerno naghahanda sa paglikas ng 300 Pinoy sa Sudan

157 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mayroong mga hakbang na ginagawa ang gobyerno upang matiyak ang kaligtasan ng may 300 Pilipino na naiipit sa gulo sa Sudan.

“We have about 300 people in Sudan. Unfortunately, none of the airports are functioning. They are still under fire,” ani Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos patuloy ang pangangalap ng mga impormasyon upang makagawa ng angkop na hakbang sa paglikas sa mga naipit na Pilipino roon.

“Also, we cannot ascertain a secure land route for them to leave. It is a long road from Khartoum to Cairo which is where our embassy is, that is in charge also of Khartoum and Sudan,” sabi pa ng Pangulo.

Nagsimula ang bakbakan sa pagitan ng Sudanese Armed Forces at Rapid Support Forces paramilitary group noong Abril 15.

“We are just waiting to get better information as to whether or not it will be safe to bring our evacuees out of Khartoum, perhaps into Cairo,” dagdag pa ng Pangulo.