Goitia Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng apat na civic oriented organizations:Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD),People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER),Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement, na nagtataguyod ng katotohanan, katatagan, at dangal ng sambayanang Pilipino…

Goitia: COBRA system patunay na PH kaya ng lumikha ng sariling depensa

Jon-jon Reyes Dec 12, 2025
236 Views

ANG pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system mula sa Department of Science and Technology (DOST) patungo sa Department of National Defense (DND) ay isang malinaw na hakbang tungo sa mas matatag na pambansang depensa.

Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ipinapakita nito na kaya ng bansa na lumikha ng sariling depensa at hindi lamang umasa sa inaangkat na teknolohiya. Binibigyang-diin din niya na ang ganitong tagumpay ay bunga ng matatag na pamumuno ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na nagtutulak ng modernisasyon at sariling kapasidad sa depensa.

“Hindi nasusukat ang lakas ng bansa sa mga inaangkat nito, kundi sa mga kaya nitong likhain para sa sarili.”

Ang COBRA system na binuo ng DOST-Metals Industry Research and Development Center (MIRDC) ay idinisenyo para sa .50-caliber weapons at maaaring gamitin sa iba’t ibang sasakyang pandigma. Para kay Goitia, patunay ito na ang siyensiya at talento ng Pilipino ay may mahalagang ambag sa pambansang seguridad, lalo na sa tuloy-tuloy na pagsisikap ng DOST, DND, at Armed Forces of the Philippines (AFP) na palakasin ang kakayahan ng bansa.

Para kay Goitia, ang COBRA ay malinaw na pahiwatig na handa na tayong magtayo ng sariling lakas.

“Kapag nagkakaisa ang mga ahensya, nakikita ng publiko ang gobyernong kayang tugunan ang tunay na pangangailangan.Ang bansang naniniwala sa sariling kakayahan ay nagiging mas matatag at mas marangal. Ang tunay na pag-unlad ay ginagawa, hindi inaangkat,” aniya.