Calendar
Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at ng Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY). Siya ay may hawak na Juris Doctor at Doctor of Philosophy (PhD), gayundin ang mga advanced degree na MNSA, MPA, at MBA, bukod pa sa iba.
JONJON C. REYES
Goitia: Nagpapakalat ng mga kasinungalingan dapat managot
ANG mga kumalat na maling balita tungkol sa kalusugan, pati na ang umano’y pagkamatay ni Presidente Bongbong Marcos, ay tuluyan nang napatunayan na walang katotohanan.
Nakita mismo ang Pangulo sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, aktibo at ginagampanan ang kanyang tungkulin.Hindi lamang ito pinabulaanan ng Pangulo, ipinakita pa niya ang katotohanan. Sa harap ng media, siya ay nag-ehersisyo at tumakbo sa loob ng Malacañang.
Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia:“Hindi na maitatanggi ang katotohanan. Ang mga patuloy na nagpapakalat ng maling impormasyon ay hindi na basta nagkakamali.
Sinasadya nilang iligaw ang publiko at dapat silang managot.”
Dagdag niya na mas nakababahala ang ganitong padron ng disimpormasyon. “Hindi ito nagkataon lamang. May malinaw na layunin na guluhin ang publiko, paghiwalayin ang bansa, at ilihis ang atensyon mula sa mahahalagang isyu,” aniya.
Sa kabila nito, patuloy na kumikilos si Pangulong Marcos upang tugunan ang mga suliranin ng bansa, kabilang ang pagresponde sa krisis sa langis sa pamamagitan ng pagsuspinde ng excise tax sa LPG at kerosene.
Pinuna ni Goitia na hindi ito simpleng fake news. Ang pagpapakalat ng kasinungalingan tungkol sa pagkamatay ng isang nakaupong Pangulo ay isang seryosong panlilinlang na nagdudulot ng kaguluhan, sumisira sa tiwala ng publiko, at nagpapahina sa estado.
“Ang sinumang sadyang nagpapakalat ng ganitong uri ng maling impormasyon ay dapat managot sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act at ng Revised Penal Code,” aniya.
Dagdag pa ni Goitia: “Tama na. Hindi maaaring ituring na malayang pananalita ang fake news kung ito ay ginagamit upang manlinlang at magdulot ng kaguluhan. Kailangang managot ang mga nasa likod nito. Huwag basta magpapaniwala o magpapagamit. Suriin muna ang impormasyon bago ibahagi, at manindigan laban sa mga nagpapalaganap ng pagkakahati at panlilinlang.”
