Phivolcs

Gov’t nakahanda nang tumulong sa biktima ng pagsabog ng Kanlaon

Chona Yu Dec 10, 2024
132 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakahanda ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng libu-libong tao na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Sa interview sa Pulilan, Bulacan sa inagurasyon ng NLEX Candaba 3rd viaduct, sinabi ni Pangulong Marcos na nakahanda na rin ang Department of Budget and Management sa pagtulong.

Nagtungo na rin sa Negros island si Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian para alamin ang kalagayan ng mga apektadong residente at namahagi na rin ng food packs ang DSWD.

“We do, I was with, first of all I got the report from Sec. Rex Gatchalian who already landed in Negros early this morning.

DBM has already assured me that they are ready. So yes, we are ready to support the families, who have been evacuated outside the 6-km danger zone. So, talagang pumutok na,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“So now, DENR, DOST are continuing to monitor air quality to see if we need to do more in terms of evacuating. Kung maging dangerous na ang levels ng toxic gases na lumalabas sa bulkan. So, yes, we’re ready, we know what to do and we already started to send food packs, and all the things that we bring to those who are in evacuation centers,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Office of Civil Defense, nasa 87,000 na residente ang ililikas dahil sa pagputok ng bulkan.