Graft, corruption nagtutulak sa mga Pilipino na maghanap ng trabaho sa abroad — Magsino

Mar Rodriguez May 30, 2023
205 Views

BINIGYANG diin ng One Filipinos Worldwide (OFW) Party List Group sa Kamara de Representantes na ang palasak sa “graft and corruption” ang lalong nagtutulak at nagtataboy umano sa mga Pilipino na magpunta sa ibang bansa para maghanap ng trabaho sa halip na manatili sila dito sa Pilipinas.

Sa kaniyang privilege speech sa plenaryo ng Kongreso, iginiit ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino ang paninindigan at adbokasiya ng kanilang partido para sa isang maayos na pamamahala o ang tinatawag na “good governance” na mabisang sandata laban sa graft ang corruption.

Sinabi ni Magsino sa kaniyang talumpati na ang laganap na graft and corruption sa Pilipinas ang lantarang sumisira aniya sa pag-unlad ng ating ekonomiya o economic development kasama na ang unti-unting pagkawasan ng mga government institutions na dapat sana’y nagsusulong ng iba’t-ibang oportunidad para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Binigyang diin pa ni Magsino na dahil sa unti-unting pagkawasak ng iba’t-ibang government institutions dahil sa korapsiyon. Napipilitan umano ang mga OFWs na maghanap ng trabaho sa ibayong dagat sa halip na manatili sa Pilipinas para dito sila maghanap ng kanilang ikabubuhay o trabaho.

“Corruption undermines the economic development and corrodes our institutions. Which are supposed to foment development that would allow for wider opportunities for our Overseas Filipino Workers (OFWs) here in the country instead of toiling abroad,” sabi ni Magsino sa kaniyang talumpati.

Inilahad naman ng OFW Party List Lady solon ang mga pamamaraan upang labanan ang talamak na graft ang corruption sa bansa matapos nitong banggitin sa kaniyang talumpati na: “Good governance requires inclusive policies, consensus-building, gfair legal frameworks, transparent processes, participatory decision-making and efficiency and accountability in civil servants”.

Gayunman, aminado si Magsino na napakahirap matamo o makamit ang pagkakaroon ng isang good governance. Subalit sinabi ng mambabatas na kailangang kumilos ang mamamayan upang maisakatuparan ang mithiing ito.

“Good governance is an ideal which is difficult to achieve in its entirety. However, actions must be taken to work towards this ideal with the aim of making it a reality, if we are to posses a potent weapon against corruption in the country,” ayon pa kay Magsino sa kaniyang privilege speech.