BBM2

Green lane binuksan para mapabilis pamumuhunan sa bansa

157 Views

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makatutulong ang Green Lanes for Strategic Investments upang pumasok sa bansa ang mga mamumuhunan.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa opisyal na paglulungsad at paglagda sa Executive Order (EO) No. 18 na lumilikha ng Green Lanes sa mga ahensya ng gobyerno na nagpoproseso ng mga papeles ng mga nais na mamuhunan.

“I am confident that the Green Lanes will pave the way for the realization of many pledges that we have had—including those that I have personally received whilst abroad—ensuring that they will bear fruit for our people and our nation,” ani Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo ang EO 18 ay bunga ng konsultasyon sa business sector.

“We gave this a particular priority because upon listening to our prospective investors, this was one of the areas where they felt we could do better and would improve the investment climate in the Philippines and that is why we have now undertaken this measure under EO 18,” sabi pa ng Pangulo.

Sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na inaasahang magma-materialize na ngayong taon ang $88 milyong investment pledges na nakuha ni Pangulong Marcos sa kanyang mga biyahe sa ibang bansa.