GGR

Gross gaming revenue ng PH gaming industry pumalo ng P396B sa 2025

35 Views

GGR1PUMALO sa P396.14 bilyon ang gross gaming revenue (GGR) ng Philippine gaming industry noong 2025, mas mataas ng 6.39% kumpara sa P372.33 bilyon noong 2024.

Ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, nakatulong sa pagtaas ng kita ang pagsipa ng online at electronic gaming sector na bumawi sa pagbaba ng kita ng mga land-based casino.

Kumita ang electronic at online gaming segment, kabilang ang E-Bingo, E-Games, Bingo Grantees, at onsite at offsite poker, ng P201.12 bilyon, o 30.04% na mas mataas kumpara sa P154.66 bilyon noong 2024.

“The E-Games and online gaming segment accounted for 50.77% of total industry GGR,” ani G. Tengco. “It has overtaken licensed casinos as the largest GGR contributor.”

Samantala, bumaba ng 9.58% ang kita ng mga licensed casino sa P182.50 bilyon mula sa P201.84 bilyon noong nakaraang taon.

Nakaranas din ng pagbaba ang mga casino na pinatatakbo ng PAGCOR, na kumita lamang ng P12.52 bilyon, o 20.95% na mas mababa kumpara sa nakaraang taon.

Ayon kay G. Tengco, ipinakikita ng 2025 GGR ang lumalaking ambag ng online gaming sa kabuuang kita ng industriya.

“The increase in electronic gaming revenues shows how the industry has evolved,” aniya. “Online gaming is no longer a supplementary segment but has now become the leading driver of overall GGR growth.”

Dagdag pa niya, lumago ang electronic gaming revenues kahit nagkaroon ng pansamantalang paghina sa ikatlong quarter ng 2025 matapos ihiwalay ang mga e-wallet na pansamantalang nakaapekto sa access ng mga manlalaro at payment channels.

Sinabi niya na isinagawa ang mga pagbabago sa digital payment systems upang mapahusay ang monitoring ng transaksyon, maprotektahan ang mga manlalaro, at mapalakas ang tiwala sa regulated online gaming.

“The 2025 GGR performance underscores the importance of regulatory balance as the industry evolves,” ani G. Tengco. “Our objective is not simply to grow revenues, but to ensure that growth is sustainable, transparent, and compliant because of a stronger regulatory environment that supports the long-term stability of the gaming industry.”