Calendar
Groundbreaking ginanap sa Lipa



ANG Batangas Police Provincial Office, sa pamumuno ni PCol. Marlon Rufo Provincial Director, ay tiniyak ang ligtas, maayos at matagumpay na pagsasagawa ng “Matatag na Batangas Tungo sa Bagong Pilipinas” program sa Lipa City, Batangas.
Binigyang-diin sa aktibidad ang pagpapasinaya ng Lipa–Mataas na Kahoy Diversion Road (Section 1), DSWD Regional Office, Padre Valerio Malabanan Memorial School Midrise School Building at ang Lipa–Padre Garcia Bypass Road.
Ang kaganapan ay dinaluhan ni Executive Secretary Ralph G. Recto, Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Vince Dizon, DepEd Secretary Sonny Angara, DSWD Secretary Rex Gatchalian, at Congressman Ryan Santos Recto at Mayor Eric B. Africa.
Ang BPPO ay nagtalaga ng sapat na ground personnel, kabilang ang augmentation ng Police Commissioned Officers at Police Non-Commissioned Officers mula sa iba’t ibang istasyon ng pulisya sa ilalim ng BPPO.
Ang lahat ng mga aktibidad sa inagurasyon ay naisagawa nang mapayapa at walang anumang hindi kanais-nais na insidente.

