Calendar
Groundbreaking ng kauna-unahang TRA sa Iloilo pinapurihan ng House Committee on Tourism
๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐จ๐ฅ๐๐๐๐ก ๐ป๐ด ๐๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ง๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐๐บ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐ฅ๐ผ๐บ๐ฏ๐น๐ผ๐ป ๐๐ผ๐ป๐ฒ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐๐น๐ฒ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฟ๐ผ ๐๐ฒ๐๐๐ “๐๐๐ฑ๐ผ๐” ๐. ๐ ๐ฎ๐ฑ๐ฟ๐ผ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ด๐ฟ๐ผ๐๐ป๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ง๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ฅ๐ฒ๐๐ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ (๐ง๐ฅ๐) ๐ป๐ฎ ๐ถ๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ด๐ฝ๐ฎ๐ต๐ผ, ๐ง๐๐ฏ๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐น๐ผ๐ถ๐น๐ผ.
Dahil dito, ipinahayag ni Madrona na ang pagpapatayo ng Tourism Department ng mga TRA sa ilalim ng mahusay na pamumuno si Secretary Maria Christina Garcia Frasco ay nagpapakita lamang na maganda ang “roadmap” na tinatahak ng ahensiya sa mga darating na panahon.
Ayon kay Madrona, diniseniyo ng Department of Tourism (DOT) ang mga TRA sa iba’t-ibang lalawigan upang maging kombinyente ang mga manlalakbay, dayuhan man o lokal na turista para makibahagi sila sa mga sikat na “outdoor activity” sa mga kilalang tourist destinations. Kung saan, kabilang sa mga aktibidades na ito ay ang trekking, camping, pagbibisikleta at iba pang aktibidades.
Naniniwala si Madrona na mas lalong nagiging kaakit-akit ang mga magagandang tanawin sa Pilipinas dahil sa mga TRA sapagkat mas pinapagaan nito ang kanilang paglalakbay at nahihikayat din ang mga turista na subukan ang mga nasabing outdoor activities.
Paliwanag din ng kongresista na pinapahusay ng mga TRAs ang karanasan sa paglalakbay sa pamamagitan ng pag-aalok ng mahahalagang amenities kagaya ng isang malinis na palikuran, pagkakaroon ng mga pasalubong center na sumusuporta sa mga lokal na micro, small and medium enterprises (MSMEs).
๐ง๐ผ ๐๐ผ๐ฑ ๐ฏ๐ฒ ๐๐ต๐ฒ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐