Calendar

Groundbreaking ng programang pabahay nanguna si PBBM
DUMALO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang groundbreaking ng San Juan National Housing Project sa San Juan City noong Biyernes.
Ginanap ang event sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa mga Pamilyang Pilipino (4PH) Program na inaasahang magbibigay ng 1,029 housing units na may sukat na 25 metro kwadrado bawat unit.
Aabot sa 30 palapag na housing project na patunay ng matibay na pagkakaisa ng pambansa at lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng mga San Juaneño.
Patuloy ang programa ng pambansang pabahay ni Pangulong Marcos para sa pamilyang Pilipino.
Sa Davao City, aabot sa 7 to 5-storey building ang mga proyekto ng 4PH.
Inihayag din ni Presidential Communications Office Under Secretary Atty. Claire Castro na triniple ng Department of Agriculture ang alokasyon ng P29 kada kilo na bigas para sa mahinang sectors.