Sweet

Grupong Sweet Notes, Aera nag-perform sa Texas

83 Views

Sweet1Sweet2

TINANGGAP ng konsulado ng Pilipinas sa Houston, Texas ang mga singers na sina Charlotte Mae at Jeffrey Bactong Jr., o mas kilala kilala bilang “Sweet Notes Music,” sa kanilang pagtatanghal para sa “Biyaya” US concert tour.

Kasama ring sumalubong sa konsulado ang Internet sensation na si Aera o mas kilala bilang “Aera Covers.”

Pinangunahan ni Konsul Von Ryan Pangwi ang pagtanggap sa mga artista.

Si Pangwi ay katuwang ni Konsul Heneral Gunther Sales sa pamumuno ng mga operasyon at serbisyong konsular para sa komunidad ng mga Pilipino sa Texas.

Ang Sweetnotes, mula sa General Santos City, ay umani ng katanyagan dahil sa mga live covers ng mga klasikong awitin mula dekada ’70 hanggang ’90 at mayroon ding high-energy dance anthems at mga orihinal na awitin.

Nagdaos ng konsiyerto ang grupo sa Immanuel Center sa Stafford noong Hulyo 17 na sinundan ng pagtatanghal sa Amarillo noong Hulyo 19.

Binati ng konsulado ng Pilipinas ang mga singers para sa tagumpay ng tour nila at pinuri sa kanilang natatanging talento sa pandaigdigang entablado.