DepEd

Guidelines ng SHS-TVL Specialization inilabas ng DepEd

178 Views

INILABAS na ng Department of Education (DepEd) ang guidelines na gagamitin para sa pagpapatupad ng Joint Delivery Voucher Program (JDVP) para sa Senior High School Technical-Vocational-Livelihood (SHS-TVL) Specialization.

Layunin ng DepEd Order (DO) No. 006, series of 2023 na payagan ang mga pampublikong paaralan na nag-aalok ng SHS-TVL track na pumasok sa partnership sa mga institusyon na mayroong mga kagamitan para maipatupad ng maayos ang programa.

Ang JDVP-TVL ay isang tuition fee assistance para sa mga Grade 12 learners na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan na kulang ang kagamitan para sa TVL specialization.

Layunin ng programa na mahasa ang mga senior high school upang makapasok ng trabaho ang mga ito kung sakaling hindi na magpapatuloy sa kolehiyo.