Guimba

Guimba bgy chief tapos sa ambush ng RIT, anak sugatan

Steve A. Gosuico Jul 25, 2025
351 Views

GUIMBA, Nueva Ecija–Patay ang barangay captain sa isang barangay dito at nasugatan din ang kanyang anak ng mga salarin.

Nakilala ang napatay na si Cenon Pineda Jr., 55, na binaril at napatay noong at Miyerkules.

Patay sa pamamaril si Pineda Jr., 55, habang sugatan naman ang kanyang anak na si Noel, 32, nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sakay ng Yamaha NMAX dakong ala-1:30 ng hapon.

Kasalukuyang abala ang dalawa sa pangangasiwa sa pagpapagawa ng front gate ng kanilang bahay sa Brgy. Banitan nang mangyari ang pamamaril.

Pahayag ni police head Lt. Col. George Calauad Jr., sa Journal Group sa kanyang text message nitong Biyernes ng umaga na nire-review na nila ang mga kuha ng CCTV sa lugar para sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga suspek.