Calendar

Gulo sa kasal, sobrang betrayal sa mga bata — Marjorie
Punto por puntong sinagot ni Marjorie Barretto ang mga hinaing ng dating asawang si Dennis Padilla sa nangyaring kasalan ng anak nilang si Claudia Barretto last Tuesday.
Ang rants ni Dennis ay all over town kung paano umano siya trinatong visitor o guest lang sa kasal gayung siya ang father of the bride. Ikinasama nga rin niya ng loob na hindi siya ang naghatid sa altar sa anak.
Bukod sa posting sa social media ay nagpa-interview pa si Dennis kay Ogie Diaz tungkol sa kanyang sama ng loob.
Sa kauna-unahang pagkakataon, bumuwelta si Marjorie at isa-isang in-addrress ang issues sa exclusive interview ni Ogie sa YouTube.
Nilinaw ng dating aktres na walang nang-api kay Dennis at ang nasabing event ay hindi tungkol sa kanila kundi sa kanilang anak na supposedly ay happiest day of her life na sinira mismo ng ama nito.
“This wedding was not about Dennis, the bride has the right to choose who will walk her down the aisle,” pahayag ni Marjorie.
Itinanggi rin niya ang hinaing ni Dennis na hindi sinabi sa kanya beforehand na hindi siya part of the program.
Ayon kay Marjorie, sinabi ni Claudia sa ama noong magkita sila last March 18 na siya mag-isa ang maglalakad sa altar at umokey naman daw ito.
Hindi totoong hindi natrato nang maayos si Dennis pati na ang ina nito at napaiyak pa ang kanyang nanay.
“She was so happy to see me. Hindi mugto ang mata ng mother-in-law ko. She was kissing me, and I was kissing her and I was hugging her, and she was hugging me,” paglilinaw ni Marjorie.
“Saan ‘yung sinasabi ninyong inapi yung nanay ninyo? May picture ako eh,” aniya pa.
Ipinakita nga sa screen ang larawan kung saan ay makikitang akbay-akbay ni Marjorie ang ex-mother in law at masaya silang nagtatawanan kasama si Dennis.
Pinauupo raw si Dennis sa front row na siyang pinaka-importanteng seat sa kasalan pero mas ginusto nito na maupo sa pinakadulong row.
Inamin naman ni Marjorie na siyempre, hindi sila pwedeng magtabi ni Dennis sa upuan bilang father and mother of the bride dahil matagal na silang estranged. Pero tatay pa rin daw ito ng kanyang mga anak.
“Yes, I was seated at the front row where the mother and the father of the bride should be, and I will not say sorry for that. I raised my child single-handedly, Dennis. I was there with her. I deserved that seat in the front,” she said.
“Galit siya, he was causing a commotion. Dennis, you were causing a commotion. Pagdating pa lang ni Claudia, hindi ko ‘to nakikita, all of these were told to me after the ceremony, before the reception.
“He was causing a commotion, he was pacing, walking and walking, gano’n, complaining, tumataas ang boses mo, Dennis, they had to ask you to please lower your voice. And when you cannot be controlled, they told you ‘can we take this outside? Can we take this discussion outside?’” kwento ni Marjorie.
Saad pa niya, “Sinong mang-aapi sa kanya? We were all focused on the bride and the groom, listening to the homily of the priest. You know, sino ang nananakit sa ‘yo? Kung nale-left out ka, wala ka kasi sa buhay ng mga anak mo, eh. Mas gusto mo kasing magpa-interview, eh.”
Ipinunto rin ni Marjorie na si Dennis pa ang unang-unang nag-post ng kasal sa social media ranting na nabudol siya. Hiniling daw ni Claudia beforehand na huwag magpo-post ng detalye ng kasal dahil very private nga ito at walang nakakaalam.
Masyado raw ginawang drama ni Dennis ang kasal at naging makalat na ang kwento gayung dapat ay ine-enjoy ni Claudia ang happiest moment na ito.
“Grabe, talagang you wanted to destroy that day for everybody. Kung naghuminahon si Dennis sana, alamin niya muna ‘yung totoo, sana in-enjoy mo na lang, ninamnam mo na lang ‘yung kasal ng anak mo, ‘di ba? Set aside your anger for two days,” aniya.
Ayon pa kay Marjorie, atensyon at hindi relassyon ang gusto ni Dennis sa mga anak.
“You’re the father and you should be the no. 1 protector of your children, no. 1 safe space of your childen,” aniya.
Natanong naman ni Ogie kay Marjorie kung kumusta si Julia since nagkomento rin si Dennis sa post ng aktres ng words na “kapal nyo” na binura na rin naman ng aktor.
“How is Julia? Alam mo, Ogie, 10 years or more na ‘tong nangayayari. We know the drill – Father’s Day, birthdays, Christmases, he’ll always do something like that. Tuwing biglang may magte-text, ‘nagpa-interview na naman ‘yung tatay n’yo, nagpa-interview.’
“Over the years, my children have become silent, it’s an eerie kind of silence, it’s a surrender kind of silence. ‘Yung parang ‘you did it again?’ ‘Yung parang disbelief na, eh,” ani Marjorie.
“So, itong wedding na ‘to, Leon is a little upset, he’s really upset. Julia is very quiet and I’m scared when they’re silent. Masyado nang malalim.
“Itong huling ginawa mo, Dennis, sobrang betrayal sa mga bata. Sooobraaang betrayal. Talagang ‘yung pagka-expose mo ng wedding ni Claudia, pagka-pangit ng ginawa mo, hindi mo na mababalik.
“’Yung ilang Father’s Day na ni-ruin mo, birthdays ng mga bata, lahat ng okasyon na ni-ruin mo for the children. Next year may Father’s Day uli, eh. Next year may birthday pa. There’s time.
“Pero wedding, wala na, eh. No more. It’s once in a lifetime, and you made it about you, Dennis,” saad ni Marjorie.