Valeriano

Guo dapat managot — Valeriano

Mar Rodriguez Jun 28, 2024
18 Views

𝗠𝗔𝗬 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗻𝗮: “𝗦𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗯𝗮-𝗵𝗮𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗿𝘂𝘀𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 s𝗮 s𝗶𝗺𝗯𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗱𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆”. 𝗦𝘂𝗯𝗮𝗹𝗶𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘆 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼: “𝗦𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗯𝗮-𝗵𝗮𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗯𝘂𝗹𝗮𝗻, 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝘀𝗮 parusa 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗵𝘂𝗺𝗮𝗻𝘁𝗼𝗻𝗴.”

Ito ang ipinahayag ni Valeriano, chairperson ng House Committee on Metro Manila Development, matapos ang serye ng mga pagdinig at imbestigasyon na isinagawa ng Senado at Kamara de Representantes kaugnay sa kaso ni Mayor Alice Guo lumabas din aniya ang tunay na pagkakakilanlan ni Mayor Guo na isang Chinese national na may pangalang Guo Hua Ping.

Naniniwala si Valeriano na posibleng may sadyang lihim na “agenda” o isang secret plan ang China sa pagpunta ni Mayor Guo sa Pilipinas noong 2003 dahil sinadya rin nitong linlangin ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagpapakilalang siya ay isang Pilipino.

“Sa hinaba-haba ng habulan sana humantong sa siya sa kulungan. This person, Alice Guo or Guo Hua Ping has been lying through her teeth to defraud the whole Philippines of her identity,” wika ni Valeriano.

Paliwanag pa ni Valeriano, masyadong napakalakas ng loob aniya ni Mayor Guo para makagawa ng ganoong kapangahasan laban sa gobyerno ng Pilipinas. Kaya nararapat lamang aniya na papanagutin at parusahan si Guo sa ginawa nitong kasalanan.

Dagdag pa ng mambabatas, dapat aniyang kumilos ang pamahalaan para agad na matanggal sa puwesto si Mayor Guo at huwag ng hayaan pang humawak ng public office kasunod ng pagsasampa ng mga kaso laban sa kaniya.

“How absurdly brave! Dapat managot siya sa batas ng Pilipinas. She should be removed and perpetually prevented from public office and be jailed for human trafficking and other activities through POGO as well as perjury,” dagdag pa nito.