Calendar
Guo guilty verdict ikinatuwa ng ex-DILG sec
PINURI ni dating Interior and Local Government secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang desisyon ng Pasig Regional Trial Court na hatulang guilty ang dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo sa kasong qualified trafficking.
Napatunayang nagkasala si Guo sa mga kriminal na gawain na natuklasan sa isang ilegal na POGO complex sa Bamban, Tarlac.
Ayon kay Abalos, ang hatol ay patunay na ang pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan upang maiharap si Guo sa korte “ay hindi nasayang.”
“Ako at si Gen. Marbil ay nakipagtulungan sa mga mataas na opisyal ng Indonesia upang matiyak ang kanyang pag-aresto at maibalik siya rito upang harapin ang batas,” ani Abalos.
Ang operasyon ay kalaunan ding naging tampok ng usapan sa publiko matapos kumalat ang isang litrato nina Abalos, Marbil, at Guo dahil sa posisyon ni Guo sa larawan.
“Ang hatol ay nagpapakita na tinupad ng DILG at PNP ang kanilang mandato, kumilos nang walang kinikilingan, at tiniyak na ang proseso ng hustisya ay dumaan sa buong yugto—hanggang sa hatol na ating nasasaksihan at ipinagdiriwang ngayon,” wika ni Abalos.

