Calendar

Guro, 51, todas sa 37 saksak ng selosing mister, 36
UTAS dahil sa 37 saksak ang 51-anyos na babaeng teacher mula sa kanyang asawa dahil umano sa selos noong Lunes sa Las Piñas City.
Patay na nang idating sa Alabang Medical Hospital dahil sa mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si teacher Rose at naaresto ng mga tauhan ni Las Piñas Police Chief P/Col. Sandro Jay Tafalla ang suspek na si alyas Dennis, 38, kawani ng Bacoor City Hall.
Sa ulat ni Col. Tafalla kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Manuel Abrugena, sinamantala ng suspek ang pagkalingat ng security guard ng Lydia Aguilar National High School sa Brgy. Almanza Dos nang sumalisi papasok dakong alas-8:45 ng umaga.
Dumiretso sa faculty room ang suspek at nang makita ang biktima, walang kapararakang tinadtad ng saksak ang babae sa harap ng 2 saksing kapwa guro.
Nakahingi ng tulong sa pulis at barangay tanod ang mga testigong sina teachers Anarose, Donna at sekyung si Jaime kaya natiklo ang suspek.
Selos ang idinadahilan ng suspek sa ginawang krimen lalu’t nahuli na umano niya noong nakaraang taon ang misis na 13-taon na niyang kapiling na may kasama umanong ibang lalaki.