Calendar

Gusto mag good time sa bar na may boga, tinimbog
TIKLO sa mga pulis ng Manila Police District ang 34-anyos na security guard na may dalang baril at nagpumilit pumasok sa Padi’s Point bar sa Rizal Ave. corner Soler St., Sta. Cruz, Manila noong Lunes.
Batay sa salaysay ng mga umarestong pulis na sina PMSg Ryan Tumanlao at PSSg Jefferson Lising, nakatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa manager ng bar na nagsumbong tungkol sa naarestong si alyas Alex, 34.
Tinangka umanong pumasok ng suspek at tumangging magpa-inspeksyon ng kanyang sling bag.
Dahil dito, pumunta ang mga arresting officer at pagdating nakita ang suspek at inutusan ito na buksan ang kanyang sling bag kaya natuklasan ang dala nitong Smith at Wesson at diretso ng hinuli ng mga pulis.
Ang suspek nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).