DSWD

Gustong makatanggap ng ayuda sa DSWD target ng scammers

222 Views

TINATARGET umano ng mga scammer ang mga mahihirap na Pilipino na nais na makasama sa binibigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ipinaalala ng DSWD na walang kailangang bayaran para makakuha ng ayuda sa DSWD. Nagbabala rin ang ahensya na huwag magbigay ng impormasyon sa mga indibidwal na nakikipag-ugnayan sa kanila para makakuha ng ayuda.

Kabilang umano sa ipinadalang text message ng mga scammer ay nagsasabi na mayroon unclaimed na ayuda ang nakatanggap ng mensahe

“The department did not issue or publish such a message. Likewise, there is no such relief allowance that is being provided to the seniors,” sabi ng DSWD.

Ang mga nais umanong humingi ng ayuda sa DSWD ay dumadaan sa assessment.