Hajji at Alynna kumplikado ang paghihiwalay

Vinia Vivar Mar 21, 2025
33 Views

Nagsalita na ang long-time partner ni Hajji Alejandro na si Alynna Velasquez tungkol sa health condition ng OPM singer.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay napabalitang nasa ICU (intensive care unit) si Hajji at nakikipaglaban sa stage 4 colon cancer.

Pagkatapos nito ay wala nang nabalitaan pa ang publiko tungkol sa singer at wala ring naging pahayag ang kanyang pamilya.

Sa panayam ni Julius Babao kay Alynna sa kanyang YouTube vlog, ibinahagi niyang nakalabas na ng hospital si Hajji at kasalukuyang nagpapagaling.

Nag-open-up din ang partner ng singer kung paano nadiskubre ang sakit nito.

Ayon kay Alynna, sa isang show ni Hajji at ng Hitmakers sa Vigan ay bigla na lang itong nag-bloat at hindi makahinga’t makakain.

Pinayuhan daw niya itong magpa-check-up na ginawa naman ng singer.

Stage 4 colon cancer na agad ang findings at kailangan daw isailalim ASAP sa isang operasyon.

Asked kung ano ang naging reaksyon ni Hajji sa kanyang sakit, ayon kay Alynna, hindi ito kaagad naniwala pero alam niyang natakot din ito.

“He’s just been very strong. You know, bigla lang talaga, eh. Naggo-golf siya, he does everything, he walks, ako nga ‘yung tamad, eh. Healthy eating naman siya and all of a sudden, you know, that happened,” pagbabahagi ng GF ni Hajji of 27 years.

Nagpaopera raw ito at okay naman ito after the operation pero after two or three days ay kinailangan nilang isugod sa ospital dahil nagkaroon ito ng seizures.

The doctors found out na nagkaroon ito ng infection kaya’t kinailangang ipasok sa ICU.

“After a week, tinanggal na ‘yung respirator niya. And then, he began to talk. And it was my birthday when I prayed, sabi ko, ‘Lord, sana, sa birthday ko, nasa regular room na siya.’

“And my prayer was answered. Nasa room na siya. Ngayon nagte-therapy siya nu’ng mga sumunod na araw. And today, he’s home,” ang sabi ni Alynna.

“And meron lang siyang walker, kasi nag-aaral ulit siyang galawin. Kasi, nawalan na siya ng muscles, eh. Talagang wala. He’s incapacitated at one time,” pagbabahagi pa niya.

“Pero ang ganda ng memory niya pa rin. Kwento pa rin siya nang kwento about things that we don’t remember anymore,” dagdag ni Alynna.

Bukod dito ay maganda pa rin daw ang boses ni Hajji kaya nagpasalamat si Alynna sa mga doktor nito for taking care of his vocal cords.

Sey pa ni Alynna, mas gumuwapo pa si Hajji ngayong medyo pumayat.

Ni-reveal din ng partner ni Hajji na hiwalay sila ngayon dahil medyo complicated ang sitwasyon because of his family.

Nang mahingan ng mensahe for Hajji, ani Alynna, “Love, if you’re watching this, pareho tayong nagugulat sa mga nangyayari like ‘yung what you’re going through right now. I just want you to know that I am with you. All the pain that you feel, I feel it 200 times.”

Wish din ni Alynna na gumaling na si Hajji at makakanta na ulit.

“Kung anuman tayo ngayon, it’s okay, okay lang ako,” pahayag pa ng partner ni Hajji.

Samantala, bukas ang People’s Tonight para sa panig o anumang pahayag ni Hajji o ng pamilya nito.