Acidre1

Hakbang ng Senado sa RBH 7 inaabangan ng Kamara

Mar Rodriguez Mar 22, 2024
119 Views

INAABANGAN ng Kamara de Representantes ang magiging hakbang ng Senado ngayong naisumite na ang Resolution of Both Houses No.7 na inaprubahan ng Kamara kahapon bago mag Holy Week break.

Ayon kay Deputy Majority Leader at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre buo ang kaniyang tiwala sa Senado na may track record sa mahusay na paggawa ng pagsisiyasat kaya umaasa siya na aprubahan nila ang panukalang batas na ito na may parehong walang-kinikilingan at objectivity.

Kumpiyansa si Acidre na makakakuha ng boto ang RBH No.6 ng Senado gayong mismo si Senate President Migs Zubiri, Sen. Loren Legarda, Sen. Joel Villanueva at Sen. Sonny Angara ang may akda ng nasabing panukala na layong amyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Aniya kailangan ng gumalaw ng senado dahil nalalapit na rin ang midterm elections dahil maghahain na ng kanilang certificate of candidacy ang mga kandidato.

Ipinaliwanag naman ni Acidre kung bakit hindi nagawa ang kanilang orihinal na plano na isumite sa Comelec ang RBH No 7 matapos ito aprubahan sa third and final reading kagabi.

Sinabi ni Acidre na ang desisyon ni Speaker Martin Romualdez na i-transmit sa Senado ang inaprubahang RBH No.7 ay batay sa naging pahayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nagkaroon ng common ground ang dalawang kapulungan sa isyu ng charter change.

Ito’y matapos magsama sina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Migs Zubiri sa biyahe ng Pangulo sa Germany at Czech Republic.

Umaasa si Acidre na gawin ng Senado ang kanilang commitment.

Aniya may panahon pa naman para talakayin ito ng Senado.

Ang panukala ni Majority Leader Manix Dalipe ay isa sa maraming panukala.

Ito ay nagpapahiwatig lamang ng katotohanan na, ang Korte Suprema ay hindi pa nakapagpapasya.