Leni

‘Hakot for hire’ ni Leni bistado!

329 Views

VIRAL ngayon sa social media ang pagkakabuko sa malawakang hakot umano na ginawa ng kampo ni Leni Robredo lalo nang marami sa mga ito ang na-estafa diumano at hindi nabayaran.

Mula sa iba’t ibang socmed platforms tulad ng Facebook, Twitter, Tiktok at kahit messenger ay pinag-uusapan na ang ‘hakot for hire’ na ginagawa ng Robredo camp.

Isa sa halimbawa rito ang ‘convo’ o conversation ng account na ‘Lawyers For Leni’ sa isang nagngangalang ‘Donna’ na sinasabing isa sa bayarang organizer sa Bulacan rally.

Ang nakalagay sa kanilang convo ay:

“Ma’am follow up ko lang po yung additional payment sa mga sumama sa Bulacan rally 3,467 pax na hindi pa po nabayaran. Thank you.”

Hello Donna, we need list of names who attended the rally, before we can release the payment. Also next time don’t recruit seniors it’s too risky ang dami nahimatay na matanda.

We need to recruit more to gain momentum. Please coordinate with Mona and Karlo for the payment.

Also remind the coordinators from Batangas and Cavite to stop bringing Philippine flag. Pink placards and balloons lang.

“Copy po ma”am. Tinatanggal naman………”

Dahil dito, maraming Bulakenyo ang nagbabanta na ngayon na ikakanta ang pangalan ng lahat ng kumausap sa kanila sakaling hindi pa maibigay agad ang bayad sa kanilang ‘serbisyo.’

“Ang mga walanghiyang iyon kahit hindi naman kami Leni sumama kami kasi P500 din iyon. Aba mag-iisang linggo na wala pa. Tingnan natin kapag hindi pa nila binigay agad dahil iisa-isahin namin silang papangalanan. Hirap kaya magpabilad sa araw!,” sabi ng isang netizen.

Kung matatandaan, nauna nang sinabi ni Cavite Rep. Boying Remulla na ang nangyaring campaign rally ni Robredo sa General Trias, Cavite ay nagkaroon ng bayaran.

Nasa P500 kada isa ang bayad umano ni Robredo sa mga Caviteno dumalo lamang sa kanilang campaign sortie para magmukhang marami ang taong sumusuporta sa Lugaw Queen.

Ang masaklap, kinumpirma ni presidential candidate Senator Ping Lacson na may mga miyembro ng rebeldeng komunista ang sumasama na rin ngayon sa rally ni Robredo.

“First, I have my own intelligence sources, ano. Sa hinaba-haba naman ng aking law enforcement experience, hanggang ngayon naman meron pa rin akong existing na mga network, na kung saan na-va-validate ‘yung mga information. Second, lumabas ‘yung si Ka Eric, ano, si Jeffrey Celiz. Of course, dini-discredit nila kasi surrenderer ito, hawak ito ng security forces—ng NICA at saka ng NSA—siyempre, galit na galit ‘yung mga CPP-NPA,” ani Lacson sa latest radio interview nito sa progama ni Ted Failon sa Radyo 5.