sara

Halaga ng library sa paglaban sa fake news binigyan-diin ni VP Sara

Arlene Rivera Nov 4, 2022
182 Views

BINIGYAN-DIIN ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan ng mga silid-aklatan sa paglaban sa maling impormasyon.

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-32 Library and Information Services Month sa Maynila, sinabi ni Duterte na mayroong panganib na dala ang digital information.

“Those waters are often perilous. Like the deep blue sea, the digital world has an ecosystem that, if not managed and utilized well, may confuse the public, steal quality and truthful information, contribute to miseducation, and lead them right down its darkest parts,” sabi ni Duterte.

Ang masyado umanong pagsandal sa online information ay maaaring maging masama kung maling impormasyon ang makukuha.

“We have seen how accessibility to online information has diluted depth and quality, or how convenience watered down hard work, diligence, and thirst for knowledge,” sabi ng Ikalawang Pangulo.

Hindi umano ito katulad ng pagpunta sa library para magsaliksik.

This brings me back to the relevance of advocating for the importance of libraries, given that they are founded on the idea of a real community organizing a wealth of information and serving for the personal enrichment of the people,” dagdag pa ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na ang mag silid-aklatan ang armas laban sa maling impormasyon.