Manila Rep. Joel Chua Manila Rep. Joel Chua

Halaga ng pondo ni VP Sara na sinita ng COA pasok sa kasong plunder-Chairman Chua

65 Views

LAGPAS na sa threshold ng batas laban sa pandarambong ang halaga ng pondo ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte na sinita ng Commission on Audit (COA) dahil sa kuwestyunable umanong paggastos na iniimbestigahan ngayon ng Kamara de Representantes.

Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, chairman ng House committee on good government and public accountability, ang isinasagawang imbestigasyon ng komite ay mahalaga upang malaman kung may iregularidad sa paggamit ng pondo ng taumbayan, at walang kinalaman sa pamumulitika.

“I must stress at this point that the sheer vastness of these potentially misused funds sets this matter apart from other instances of irregularity and disallowance – these amounts easily surpass the threshold for the crime of plunder under our laws,” ayon sa pambungad na pahayag ni Chua.

“It is incumbent upon us, who are duty bound to ensure that our legislation and regulations are effective enough to protect the money of the people, to investigate and get to the bottom of these glaring irregularities,” dagdag pa nito.

Partikular na binibigyan tuon ng komite ang naging paggastos sa P125 milyong confidential funds na inilaan sa Office of the Vice President (OVP) na ginastos lamang sa loob ng 11 araw noong 2022.

Binanggit ni Chua ang nakababahalang bilis ng paggastos sa pondo, na ayon sa liquidation reports ng OVP, ay nagdulot pa ng mas maraming katanungan sa halip na sagot.

“Paulit-ulit po at parang cinopy-paste ang liquidation ng Confidential Funds ng OVP,” pahayag ni Chua, ayon na rin sa mga dokumentong isinumite na kulang sa detalye at minadali.

Una na ring hindi pinahintulutan ng COA ang paggasta sa P73 milyon na bahagi ng P125 milyon, na katumbas ng 60 porsiyento ng confidential funds na inilaan sa OVP noong 2022.

Ibinunyag ni Chua na ang nalalabing P500 milyon na inilaan para sa 2023 ay kasalukuyan ding nire-review, kung saan tanging P51 milyon pa lamang ang naaprubahan ng COA.

Ang mga di pagkakatugma ay nagbunsod sa komite na palalimin ang kanilang imbestigasyon sa kung paano ginamit ang mga pondo.

“Wala pang kalahating buwan, naubos na daw ang P125M,” ayon kay Chua, na hindi makapaniwala na nagastos ang napakalaking pondo sa loob lamang ng maigsing panahon.

Sa paliwanag ng OVP, ginamit ang pondo para sa surveillance sa 132 lugar noong kapaskuhan, bagama’t hindi kumbinsido ang mga mambabatas sa paliwanag na ito.

Tiniyak naman ni Chua na ang imbestigasyon ay walang kinalaman sa pulitika, kundi ang layunin lamang ay matiyak na nagagamit ng wasto ang pondo ng bayan.

“This investigation is not prompted by any motive other than a desire to make the numbers make sense,” paglilinaw pa ng mambabatas.

“What we have seen regarding the usage by the OVP of its confidential funds certainly gives this committee – and the country – cause to want to find out the facts behind this, ultimately to fulfill this august body’s mandate of crafting effective laws and legislation to protect our people’s hard-earned money,” dagdag pa nito.

“This committee is, understandably, very alarmed at these reports implying misuse of public funds, in particular because of the astronomical, almost unimaginable amount of money involved,” aniya.

Binigyang-diin niya ang tungkulin ng mga mambabatas na pangalagaan ang buwis ng mga Pilipino, lalo na sa mga kaso na may kinalaman sa confidential funds na hindi gaanong nasusuri.

“We are duty-bound to protect our people’s hard-earned money,” ayon kay Chua.

Nangangamba ang komite sa kakulangan ng transparency sa kung paano hinawakan ng OVP ang kanilang confidential funds. Iginiit ni Chua na ang mabilis na pag-liquidate ng mga pondo at ang kakulangan sa sapat na dokumentasyon ay nagpapahiwatig na maaaring hindi nasunod ang tamang proseso.

Binigyang-diin niya na mahalaga ang pampublikong pananagutan sa mga ganitong kaso, lalo na kung malalaking halaga ng buwis ng mamamayan ang sangkot.

“We seek to learn the truth of how public money, ang pera ng taong-bayan, is being used… It is incumbent upon us who are duty-bound to ensure that our legislation and regulations are effective enough to protect the money of the people,” pagdidiin pa ni Chua.