Romero1

Half cup of rice sa mga resto suportado

Mar Rodriguez Nov 18, 2023
192 Views

KINAKATIGAN ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang muling pagbuhay at pagpapatibay ng Kongreso sa panukalang nag-oobliga sa mga “restaurant owners” na magsilbi ng “half cup of rice” sa kanilang mga costumers.

Iginigiit din ni Romero sa Kamara de Representantes na kailangang pagtibayin nito ang nasabing panukalang batas na nag-oobliga sa mga may-ari ng iba’t-ibang restaurants na mag-serve ng kalahating kanin o kung tawagin ay “half cup of rice” para magkaroon ng opsiyon ang kanilang mga costumers.

Ipinaliwanag ni Romero na layunin nito na maiwasan ang pag-aaksaya ng ilang costumers sa kanin. Kung saan, ilan sa kanila ang umo-order ng sobra-sobrang kanin subalit sa kalaunan ay hindi naman nila nauubos. Kaya dahil sa ganitong Sistema, natatapon lamang ang mga sobrang kanin.

Binigyang diin ni Romero na kailangang makasama din sa ihahaing panuakalang batas ang pagsusulong ng tinatawag na “balance at sustainable eating habits” ng mgha Pilipino upang matiyak na ang mga kinakain nila ay sapat subalit masustansiya para narin sa ikabubuti ng kanilang kalusugan.

Iminumungkahi din ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na sa halip na “french fries” ay makabubuting magandang alternatibo o option ang pagse-serve ng “sweet potato fries” o kamote na mas masustansiya umano dahil sa pagkakaroon nito ng mas mataas na nutritional value.

Sinabi naman ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na malaki ang maitutulong para sa mga magsasaka ang pagse-serve ng sweet potato fries o kamote sa mga costumers dahil wala aniyang dapat mabubulok na kamote.

Ayon kay Valeriano, sa kasalukuyan ay mayroon na aniyang ipinatutupad na mga local ordinances para sa pagpapatupad o implementasyon ng “half cup of rice” sa mga restaurants. Subalit mas makabubuti umano kung tuluyan na itong maisasabatas para ipatupad sa buong bansa.