Halos 1,000 PDL palalayain—DOJ

104 Views
HALOS 1,000 persons deprived of liberty (PDL) ang inaasahang mabibigyan ng presidential grant of pardon at executive clemency, ayon sa Department of Justice.
Ayon kay DOJ Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano ito ay bahagi ng kampanya ng ahensya upang mapaluwag ang mga kulungan sa bansa.
Sinabi ni Clavano na nagbigay si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ng listahan sa Parole and Probation Administration (PPA) at kapag nakapasa sa panuntunan ang mga ito ay irerekomenda ito sa Executive Secretary.
Noong nakaraang taon, halos 1,000 rin ang nabigyan ng pardon at clemency.
Kasama umano sa listahan ang mga matatanda at persons with disabilities.