Sara

Halos 15K estudyante sa Davao City may ayuda mula sa city gov’t

382 Views

HALOS 15,000 estudyante ang binibigyan ng Davao City government ng tulong pinansyal upang makatulong sa kanilang pag-aaral.

Ang tanging kondisyon ng lungsod Davao ay dapat walang bagsak na grado.

Sa kanyang Sara All For You online show, sinabi ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na 14,940 estudyante ang natulungan ng kanilang scholarship assistance sa ilalim ng Tulong Dunong program katuwang ang Commission on Higher Education (CHED).

“This was in hope that their lives will improve,” sabi ni Duterte.

Ang P300 milyon proyekto ay pinondohan ng pamahalaang panglungsod. lungsod. Binibigyan umano ng P7,500 kada semestre ang mga estudyante at tatagal ang tulong ng apat na taon.

Paliwanag ni Normal Baloro, isa sa nangangasiwa sa programa noong una ang kanilang target ay tulungan ang mga estudyante sa kolehiyo na anak ng mga driver at operator ng pampasaherong sasakyan.

Pero nang matapos ang isinagawang profiling ay kanilang napagtanto na kokonti ang bilang ng mga anak ng mga driver at operator sa kolehiyo kaya binuksan na nila ito sa lahat ng Dabawenyo para mas marami ang makinabang.