Marianito Augustin

Hamon ni House Deputy Speaker Duke Frasco sa mga bagong halal na bgy, SK offcials: Tulungan niyo ang mga kabataan!

179 Views

PINANGUNAHAN ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang “oath taking” o pnunumpa sa tungkulin ng tatlong daang bagong halal na barangay at SK officials.

Ginanap ang “oath taking ceremony” sa Panphil B. Frasco Memorial Sports Complex sa Munisipalidad ng Liloan na pinangunahan mismo ng House Deputy Speaker. Kabilang na dito ang pagdaraos naman ng “Oath of Allegiance” ng mga Mayors at Vice-Mayors para sa TeamFrasco.

Hinihikayat ni Frasco ang mga bagong halal na opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan na mag-focus sa kanilang tungkulin at obligasyon. Kasabay ng kaniyang hamon sa knila na isa-isang-tabi nila ang politika at sama-samang magtrabaho para sa pagsusulong ng de-kalidad na serbisyo para sa kanilang mga constituents.

Ayon kay Frasco, isang malaking hamon din para sa 300 na bagong halal na opisyal ng barangay at SK ang unti-unting pagkalulong ng mga kabataan sa iba’t-ibang uri ng bisyo kabilang na dito ang illegal na droga at illegal na sugal. Kung saan, kailangan aniya nilang gumawa ng mga hakbang para sagipin ang mga kabataan mula sa mga masamang bisyo.

Sinabi ni Frasco na kinakailangang pangunahan o magpasimula ng mga programa at kampanya ang mga bagong opisyal ng barangay para tulungan ang mga kabataan na maisalba laban sa paglaganap ng masasamang bisyo sa pamamagitan ng education, awareness at iba pang pamamaraan.

Ayon kay Frasco, dito maipapakita ng mga bagong halal na opisyal ang kanilang sinseridad sa pamamagitan ng kanilang aksiyon para sagipin ang mga kabataan mula sa unti-unting pagkabulid sa masasamang bisyo.

31st National Convention and General Assembly ng Chamber of Customs Broker Incorporated (CCBI) na gaganapin ngayong November 30, 2023

FrascoFrasco1ISANG MALAKING pagtitipon ng grupo ng mga Customs Broker ang nakatakdang ganapin ngayong darating na November 30, 2023 sa Manila Hotel. Ito ay ang 31st National Convention and General Assembly ng Chamber of Customs Broker Incorporated (CCBI) na dadaluhan ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development.

Dumulog kay Congressman Valeriano ang grupo ng CCBI sa pangunguna ng kanilang taga-Pangulo na si Anthony “Doc Tony” A. Cristobal para humingi ng tulong kaugnay sa kanilang problema patungkol sa mga itinatalagang “Attorney-In-Fact”.

Ang mga itinatalagang “Attorney-In-Fact” ang umaagaw ng kanilang trabaho bilang mga lehitimo at lisensiyadong Custom Boker. Kaya naman naninindigan si Doc Tony na ilalaban nila para tuluyan ng ma-amiyendahan ang Republic Act No. 10863 o “Customs Modernization and Tariff Act of 2016”.

Sa ilalim ng nasabing batas, sinasaklawan ng isang “Attorney-In-Fact” ang kanilang trabaho. Dumulog ang CCBI kay Valeriano upang tulungan sila na tuluyang mawala ang probisyon ng batas sa pamamagitan ng legislative amendments patungkol sa pagtatalaga sa isang “Atty-In-Fact”.

Ito marahil ang inaasahang mapag-uusapan sa gaganaping National Convention at General Assembly ng CCBI na dadaluhan ni Valeriano na isa rin lisensiyadong Custom Broker. Naniniwala tayo na hindi papabayaan ni congressman ang CCBI dahil malaki ang puso ni Valeriano para sa mga nangangailangan.