Fernandez

Hamon ni Rep. Fernandez kay VP Sara:  Sumama kay PBBM sa pagtaguyod ng pagkakaisa

144 Views

NANAWAGAN ang chairman ng House Committee on Public Order and Safety kay Vice President Sara Duterte na sumama kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtaguyod ng pagkakaisa.

Ayon kay Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez kasama ni Duterte ang maramig kongresista sa pagsuporta sa administrasyon ni Pangulong Marcos.

“This all-out support for our President, however, can be better fleshed out if it is devoid of political bickerings. We appeal to Vice President Inday Sara, who ran and won on a platform espousing unity, to join the President in translating this call for unity into action,” ani Fernandez.

Sinabi ni Fernandez na kamakailan lamang ay sinabi ni Duterte ang pagnanais na magpatuloy ang pagkakaisa upang maiahon ang mga Pilipino mula sa kahirapan.

“We can achieve these goals, which we all want for our people, if we do away with political bickerings. We should instead work together and keep a laser focus on what needs to be done to ensure a vibrant and prosperous future for all Filipinos,” dagdag pa ni Fernandez.