Martin

Hamon ni Speaker Romualdez sa engineers: Tulungan Marcos admin sa pagtatayo ng mahahalagang imprastraktura

Mar Rodriguez Jun 14, 2024
59 Views

Martin1KINILALA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mahalagang kontribusyon ng Philippine Institute of Civil Engineers sa pag-unlad ng bansa partikular sa pagtatayo ng mga mahahalagang imprastraktura para sa kapakinabangan ng mga Pilipino.

Kasabay nito ay hinamon ni Romualdez ang mga engineer na tulungan ang administrasyong Marcos sa pagtatayo ng mga imprastraktura na kailangan ng mga Pilipino.

“In ensuring a better future for Filipinos, we must also focus on inclusivity and accessibility. The infrastructure we build must be designed to meet the needs of all citizens, including those in underserved and remote areas,” ani Speaker Romualdez sa mga miyembro ng organisasyon na itinatag 87 taon na ang nakakaraan.

Si Speaker Romualdez ang guest of honor sa 2024 PICE Midyear Convention, International Engineering Expo, at Technical Conference na ginanap sa SMX Convention Center sa Mall of Asia Complex sa Pasay City na dinaluhan ng 5,000 civil engineers.

“By bridging gaps and connecting communities, we pave the way for equal opportunities and sustainable development. Our legislative efforts aim to support these initiatives, ensuring that no Filipino is left behind as we move forward,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ayon sa lider ng Kamara pangarap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na makilala ang bansa sa pagkakaroon ng integridad at tuloy-tuloy na pag-unlad kung saan ang mga Pilipino ay mayroong maaasahang imprastraktura, edukasyon, at oportunidad.

“The future we envision for the Philippines is one where every Filipino has access to quality infrastructure, education, and opportunities. It is a future where our engineering sector continues to thrive, driven by innovation, resilience, and a commitment to excellence,” saad pa nito.

“The bridges you build, the roads you pave, and the buildings you construct are not just structures of concrete and steel; they are symbols of our collective aspirations and the foundation of our future,” wika pa ng kinatawan ng unang distrito ng Leyte.

Binigyan-diin ni Speaker Romualdez na ang pag-unlad ng bansa ay sama-samang pagpupunyagi na nangangailahgan ng dedikasyon, kakayanan, at inobasyon ng bawat sektor ng lipunan.

“As engineers, you are the architects of progress, shaping the infrastructure that forms the backbone of our nation,” sabi ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

“Through your expertise, you ensure that our communities are resilient, our economy is robust, and our nation is prepared to face the challenges of the 21st century. Your role in nation-building extends beyond the physical structures you create,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

“You are pivotal in fostering a culture of innovation and excellence, inspiring the next generation of engineers to dream bigger and reach higher,” dagdag pa nito.

Nanawagan din si Speaker Romualdez sa PICE na ipagpatuloy ang mga programa nito upang makalikha ng mga propesyonal na mayroong mataas na kakayanan para sa kapakinabangan ng bansa.

Iginiit din ng lider ng Kamara ang kahalagahan ng pagtutulungan ng gobyerno, pribadong sektor, at organisasyon ng mga propesyonal gaya ng PICE.

“The House remains steadfast in its commitment to support the engineering profession and industry through robust legislation and effective governance. Let us continue to work together, innovate, and build a better Philippines for future generations,” sabi pa nito.

“I would like to commend each and every one of you for your unwavering dedication and contributions to the field of engineering. Your efforts are the backbone of our nation’s development, and your innovations pave the way for a brighter, more sustainable future,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.