Suarez

Hamon sa istasyon ni Quiboloy: Patunayan alegasyong gumastos si Speaker Romualdez ng P1.8B sa biyahe

Mar Rodriguez Nov 29, 2023
164 Views

Hinamon ni Quezon Rep. David Suarez ang radio-TV network ni Pastor Apollo Quiboloy na patunayan ang alegasyon nito na gumastos si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng P1.8 bilyon sa mga biyahe nito.

Sinabi ni Suarez na dapat imbitahan ng House Committee on Legislative Franchises na pinamumunuan ni Parañaque Rep. Gus Tambunting hinid lamang ang brodkaster ng Sonshine Media Network International (SMNI) na nagpahayag ng alegasyon kundi maging si Quiboloy.

“I think it would be a prudent decision of the committee to invite the host. And I even, impose this challenge on them. Name your source, kasi ako, may dokumento akong hawak na nagsasabi kung magkano talaga ang ginastos ng House at ng Speaker sa kanilang travel. Dun sa sinasabi niyo P1.8 billion, kaya gusto kong malaman kung saan nanggaling,” ani Suarez.

“O ‘yun po ba ay numero lang na hinugot niyo sa buwan at binaggit sa telebisyon? Dahil base sa mga dokumento at papeles na hawak po namin, hindi po ‘yun ang katotohanan,” sabi pa ni Suarez.

Sinabi ni Suarez na bago nagbitiw ng alegasyon ay dapat siniguro muna ng brodkaster ang impormasyon nito.

“Show me your documents. Show me your data. Inform us who your source is and I will compare it to mine and there we will find out what the real truth is with regard to this issue,” sabi ni Suarez.

Iginiit ni Suarez na ang network ni Quiboloy at ang host ng programa ay kapwa may pananagutan sa alegasyon.

“Well, I feel that the network and the host are both accountable. Kasi unang-una, pinalabas po ito sa show nila. Pangalawa, as journalists, responsable sila, dapat bago nila maglabas ng kung anomang news article o news report, it has to be validated. I mean I’m sure all of you members of media do the same. Especially when it comes to figures and data we consider to be of national concern,” sabi ng kongresista mula sa Quezon.

Noong Martes ay nag-privilege speech si Suarez ay kinondena nito ang alegasyon na wala umanong basehan.

“I immediately went to the finance department of the House of Representatives to find out if this is true and there is no truth to the P1.8 billion pesos. It is fake news and it is an absurd lie that they are spreading,” sabi ng solon.

“I felt it incumbent upon myself, I need to clarify this issue on the floor because it affects and attacks the very integrity and dignity of the House of Representatives.”

“So doon po nanggaling yun and of course bilang isang mambabatas, tungkulin din po natin na siguraduhin na yung mga lumalabas na balita, especially kung may kinalaman po ito sa House of Representatives, ay totoo,” dagdag pa nito.