Calendar
Harassment sa mga estudyante pinaiimbestigahan ni VP Sara sa NBI
HININGI ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang umano’y emotional at verbal harassment at sexual abuse sa mga estudyante ng Philippine High School for the Arts (PHSA) sa Los Baños, Laguna.
Sa sulat na ipinadala ni Duterte sa NBI hiniling nito ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon at komprehensibong ulat kaugnay ng alegasyon.
Inatasan din ni Duterte ang Child Protection Unit (CPU) at Child Rights in Education Desk (CREDe) na magsagawa ng imbestigasyon kung mayroong nangyaring paglabag sa Child Protection Policy ng ahensya.
Sinabi ng PHSA na nagsasagawa na rin ito ng imbestigasyon.
Nirerepaso na rin umano ng DepEd at PHSA ang kasalukuyang polisiya ng paaralan kaugnay ng mga pang-aabuso upang mas mapalakas ang mekanismo laban dito.
Muli ring inulit ng DepEd na hindi nito pinahihintulutan ang anumang uri ng pang-aabuso at patuloy nitong itinataguyod ang ligtas na kapaligiran para sa mga bata at guro.