Hataman

Hataman nais paimbestigahan BSKE

Mar Rodriguez Dec 14, 2023
139 Views

ISINUSULONG NI House Deputy Minority Leader at Basilan Lone Dist. Cong Mujiv Hataman na magsagawa ng imbestigasyon ang Kongreso sa nakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa kanilang lalawigan.

Dahil dito, inihain ni Hataman ang kaniyang House Resolution No. 1497 para magkaroon ng masusing imbestigasyon ang Kamara de Representantes patungkol sa nagdaang BSKE sa Basilan kabilang na ang iba pang lugar sa bansa.

Binigyang diin ni Hataman na bagama’t matagal ng nagdaan ang BSKE hindi naman ito nangangahulugan na dapat na lamang kalimutan at dedmahin ang napakaraming alegasyon ng pandaraya, pananakot at iba pang uri ng katiwalian sa nakalipas na halalan.

Sinabi din ni Hataman na napakaraming insidente ng katiwalian at karahasan ang nai-ulat sa Social Media subalit sa kasamaang palad umano ay hindi naman natugunan at hindi masyadong nabigyan ng pansin dahil maaaaring nagging abala ang kinauukulan sa ibang mga issues.

Gayunman, naninindigan ang Muslim congressman na bilang paghahanda sa darating na 2025 Mid-Term elections kinakailangan aniyang magkaroon ng imbestigasyon sa Kongreso para malaman kung papaano maiiwasan sa darating na halalan (2025) ang insidente ng dayaan noong BSKE.

“With the nearing 2025 national and local elections as well as the next 2025 barangay elections just around the corner. There is a need investigate these allegations of electoral malpractices to prevent their recurrence by crafting new law or amending and strengthening existing ones,” sabi ni Hataman.

Ipinabatid naman ng Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na nararapat lamang magkaroon ng imbestigasyon para huwag mawala ang pagdudududa at kawalan ng tiwala ng publiko sa preseso ng eleksiyon sa bansa.