Calendar
Asuncion nagbida sa PSA Forum.
Hataw Pilipinas handa na upang maidepensa ang titulo ng East Asia Cup
NAKATUON na ang atensyon ng lahat sa Philippine Men’s Baseball Team sa nalalapit na pagdepensa ng kanilang titulo sa gagaping BFA East Asia Cup mula sa December 5-14 sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Manila.
Ito ang unang event na idaraos sa makasaysayang Rizal Memorial field na sumasailalim ngayon sa major rehabilitation.
Haharapin ng Hataw Pilipinas na bagong bansag sa mga Pinoy booters ang mga bansang Singapore, Hong Kong, Indonesia, Thailand at Vietnam.
Sabik ang pamunuan ng Philippine Amateur Baseball Federation na makakagamit na na rin sa unang pagkakataon ang bagong-rehabilitate na field sa tulong ni Philippine Sports Commission Chairman Patrick Gregorio.
“Were very excited because our Rizal Memorial has been undergoing repairs and we really have to work double time to finish on time. Artificial turf na po ang ilalagay na BFA standard, na-extend ang homerun fence ay 400 feet. May ilaw rin siya, at may electronic scoreboard at inaayos ang mga lockers,” sinabi ni PABA Secretary General Mike Asuncion sa Philippine Sportswriters Association Forum.
Gumagawa na ngayon ng paraan ang Pinoy batters upang makasabay sa mga ibang koponan at para sa ambisyon na mapanatili pa rin ang titulo ng East Asia Cup sa Pilipinas sa harap ng homecrowd.
“Todo practice po ang ating team, day in and day out. Maraming adjustments na gagawin si Coach Orlando Binarao sa lineup, hindi tayo pwede kampante because weve been the five-time champions and lumalakas ang kalaban na investing. We are also doing extra preparations to maintain the trophy.”, dagdag pa niya.
Naniniwala rin siya na malaki ang tsansa pa rin para sa Hataw Pilipinas na iuwi ang korona.
“Malaki ang chance but kagaya ng sabi ko, di dapat kampante, tayo rin titinigin po natin yung mga previous performances kung saan tayo nagiimprove at doon tayo magfofocus ngayon,” sambit pa niya. By Gab Ferreras
