Veloso

Hatol kay Mary Jane Veloso life imprisonment na lang

Chona Yu Nov 21, 2024
36 Views

MULA sa death penalty, naibaba sa life imprisonment ang hatol ng Indonesian court sa overseas Filipino worker na si Mary Jane Veloso.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bunga ito ng patuloy na pakikipag-negosasyon ng Pilipinas sa Indonesia.

“But as I said, we have been working on this for all the previous Presidents, hindi lang ako, 10 years na ito. 10 years na ito, pero ang nagawa natin, napa commute natin ang sentensya niya from death sentence to life imprisonment, tapos ang nasunod doon ay napauwi na natin. We will have to decide on what will happen next,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pinag-aaralan pa ni Pangulong Marcos kung bibigyan ng clemency si Veloso.

“We will see. We will see. Hindi pa talaga maliwanag kung ano ba talaga ang how, this is the first time that this has happened. So, that everything is on the table,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pinasalamatan ni Pangulong Marcos sina dating Indonesian President Joko Widodo at President Prabowo Sabianto.

Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na matagal na proseso ang kaso ni Veloso.

“Mabuti na lang na that our relations with Indonesia, our relations with then President Widodo and all of his people, together now with our relations with the new President, President Prabowo.

Dahil maganda naman ang ating relation, nakahanap sila, gumawa sila ng paraan, this is the first time that they did this. Gumawa sila ng paraan, para, sabi nila wala naman silang interes na ikulong, wala naman silang interes na iexecute si Mary Jane Veloso. Ngunit, kaya naman, hanap hanap tayo ng paraan, and they did it for us,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Taong 2010 nang maaresto si Veloso sa Indonesia matapos makumpiskahan ng ilegal na droga.